Wednesday, November 26, 2008

From Highland to Lowland

Hindi madali ang lumipat from Multiply to LiveJournal. Graduating yata ako noon: Febraury 25, so to speak, nang una akong magtayo ng Multiply account. Una, inosente lang ang dahilan - I want to be connected, that's all. Pero nang naglaon, dumami na ng dumami ang reasons. Nandyan na yung blog na super kinagiliwan ko kasi may audience akong naghihintay. Kesehodang nakatanggap ako zero replies sa blog posts, tuloy pa rin ang pagba-blog ko, kasi alam ko na nakabubulabog pa rin akong ng inner sphere ng ibang tao. At kapag nabulabog mo ang sphere ng ibang tao, halos assured ka nang nag-e-exist ka nga sa mundo nila.

Isa sa prime features ng Multiply yung photo album. Iyon yata ang hinabol ko kaya ang nagka-Multiply. Saya kasi ng photo album doon. Centralized, kumbaga. Hindi ko na kailangang mag-Flickr, Snapshots, or what. It's simply one, big, fat chunk of services in one sitting. E dahil mahilig tayo sa mabilisan, ganyan na lang kapatok ang Multiply.

Alam niyo bang may shares na ang ABS-CBN sa Multiply? Oo, meron na. Actually, matagal na. Pero ang reason daw kung bakit may tie-up ang Multiply and ABS is because of the former's fascination with Filipino culture. Ayon mismo sa kanila, the day na halos mag-exceed ng bandwidth ang server nila ay noong December 26 - a day after Christmas dito sa Pilipinas. And ang pinaka-gamit na feature was the Photo Album. And guess what the photos are: family reunions.

It is at this prospect of the family that Filipinos subscribed to when posting in Multiply. May kanya-kanyang reasons to have that; sentral lang siguro dito ang connectivity. Oo't kailangan nang maging "connected 24-ever", pero may concerns din na kailangang i-consider like, yun nga, identity performance. Kasi, ang pinakamahirap na torture na puwedeng gawin sa isang tao is to act according to what people dictate of him and not what he wants to be.

Sanay ako sa Multiply. So mahirap ang move na ito. Pero dahil maganda naman ang 'bahay' ko (see my layout?), siguro oras na para lubus-lubusin ko ito. Tutal, minsan lang naman ako mag-blog nang prolific na prolific.

Multiply is the city, and the rest are the provinces. Nawa'y itong paglipat ko ng bahay e makalanghap naman ako ng sariwang hangin at konting katahimikan.

(Syempre, masakit din naman sa tenga ang puro ingay ano?)

No comments:

Post a Comment