Gusto ko na talaga mawirduhan sa sarili ko. Buhat pa yata Grade School, pag tuwing sinusundo ako ni mama pag Friday night from school, lagi akong may sense of melancholy/pagiging pensive tuwing Friday night. I really don't know if it's just the thought of going home on a Friday night and seeing all the cars lined up to the nearest mall. Katipunan Avenue is a bustling business district, and traffic is commonplace there.
The only times na nakararamdam ako nitong "Friday Night Syndrome" (FNS) is tuwing may organization activity sa school. Dahil 4:30-6:00 PM ang activity hours sa Ateneo, expected ko na makalalabas na ako around 6:30 ng gabi. At dahil nag-aabang pa ako ng sasakyang jeep pauwi, nakikita ko yung string of vehicles na papunta't pabalik from Cubao or some place beyond that. Admittedly, mas 'less' ang intensity (although mas frequent) ang mga FNS ko ngayon; pero noong High School, matindi-tindi ang tama ng mga FNS na iyan kasi nakasakay ako mismo sa sasakyan.
Pag nagkaka-FNS ako, nade-depress ako ng konti while on the road. Parang, in a sense, iniisip ko saan papunta yung string of cars na iyan? Sa mall ba? Sa bazaar ba? Ganoon. Ni ako mismo hindi ma-pinpoint kung saan nanggagaling ang depression ko; pero may pakiramdam ako na nanggagaling ito sa isang desire for companionship. True, faithful, and loyal companionship na alam kong maaasahan ko in good times and in bad. Whether good mood or bad mood ako.
Mystery pa rin sa akin kung bakit may Friday Night Syndrome ang lolo mo. Gusto ko lang bang lumabas with a couple of friends or what?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment