Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan... may stiff neck.
Minsan, may mga pagkakataon na gusto kong tanungin: "Ako ba ay may telepathic powers na pag inisip ko, minsa'y nagkakatotoo?"
Kasi, may mga instances na nag-aala-Ray Aguas ako when he imitates God by making some thought materialize. Ganito niya ida-dramatize iyon. Iisipin ni God ang 'tomatoes' (nang nakalagay sa ulo ang kamay niya). Tapos pag ibinaba na ni God yung kamay niya at sumigaw ng "tomatoes!", <ka-ching!> lalabas na yung tomatoes sa kamay niya.
Minsan talaga, weird na nagkakatotoo ang ilang pinagmumuni-munian natin.
Noong semestral break, pinapangarap ko na maging Sci10 teacher si Ma'am Achoot Cuyegkeng. Syempre, di ko pa alam yung odds na hinaharap ko pag enlistment time na. So I was pretty wishing and hoping na matuloy nga yung pinapangarap ko.
Halfway through the sembreak, naglalakad ako sa may Zen Garden nang makasalubong ko si Ma'am Cuyegkeng. Syempre, dahil kilala lang niya ako that time as a Guidoneer, simpleng 'hi!' lang ang ipinarating ko sa kanya.
Nag-smile naman siya pabalik.
Hindi ko inakalang magiging teacher ko siya for Sci10 this semester.
Similarly, ngayong mga nakaraang araw, may iniisip akong isang nilalang. Yung kaisa-isang nilalang na gasgas na ang pagkakabanggit sa blog na ito, pero importante pa rin sa akin anyway. Siya yung dahilan kung bakit tila nasa langit ako noong first year, second sem. Malapit na rin kasi yung araw kung kelan una akong nag-'hi!' sa kanya (actually today iyon, December 7), at naaalala ko yung mga pinaggagagawa ko back then. Nagkatipun-tipon kami ng 2 friends ko online, at nagkumustahan. Napag-usapan rin yung kabaliwan ko noong nakaraang taon, at kung paano ako nabubuhay one year after.
Kinaumagahan, matinung-matino ang mood ko. Ma'am Cuyegkeng day kasi eh (sori na, idol ko kasi siya eh), so dapat good mood ako. Nakapila ako sa tricycle terminal nang biglang mapansin kong paparating siya - yung sinasabi ko sa previousparagraph. As a way of moving on, pinilit ko nang mag-smile; para at least, kung mapansin niya, ay mas lalong gumanda ang mood ko at makumusta siya after 9 months. Pero ayun, dire-diretso siya na parang sundalong inutusang mag-forward march. Parang walang nakita. Parang may stiff neck.
E bakit di ka nag-"hi!"?
Kasi kumplikado ang dahilan kung bakit kaya huwag mo nang alamin.
Pero in general, nakakainis ang mga taong may 'stiff neck'. Syempre, literally wala naman siyang stiff neck noong araw na iyon kasi kung meron, matatawa na lang ako nang matindi. Pero gets? Ang hirap talaga kung nakikipagplastikan ka sa isang tao, let alone isang taong pinilit mo lang kilalanin because you liked her sensibility and wit. At dahil may natuklasan lang siyang hindi niya dapat nalaman, ay nagbago na ang lahat.
Ni hindi ka man lang niya binigyan ng benefit of the doubt.
At iyon ang masakit sa akin.
Kaya ngayon, December 7, 2008, minamarkahan ko ang isang taon mula nang mag-'hi!' ako sa kanya. Nakakatawa, kung tutuusin, at may karapatan kayong tumawa. Pero iyon lang ang punto ko, nakakainis ang mga taong may stiff neck. Feeling nila kasi, sila lang ang tama.
Now if only I could straighten up her neck slowly but surely... HAHA!

No comments:
Post a Comment