Sorry na sa acads, pero talagang kwento-worthy lang talaga (siguro) yung ise-share ko ngayong umaga/tanghali/gabi. Kaya, umpisahan natin ang mga Dramang sa Sci10AA Lang Nagaganap.
Kabanata 1: Mga Kuwento ni Pader Ben
Kung ako ang iyong tatanungin, walang super new na sinabi si Fr. President Ben Nebres, SJ sa kanyang "Technology and Lifestyle" plenary (830-930, Dec. 17, 2008). In my harshest terms, "dakilang rehash lang naman ng mga Sci10 articles iyan eh..." Pero don't get me wrong, kahit rehash lang iyan, may mga nag-stand out pa rin na peculiarities tulad ng...
Supersize Me! na sinabayan ng katunaw-tunaw na [toothy] grin ni Fr. Ben. Syempre, por added epek, may ipinakita siyang picture ng isang American kid na malapad pa sa 36 inch na waistline. In short, mataba. At may libreng endorsement pa from McDonald's kasi iyon yung location ng obese kid noong siya'y pinicture-an.
Ang kanyang 'dramatization' ng isang always there na nanay sa abroad. Tulad ng...
"Hon, saan ka ba nagpunta? Five minutes na akong tumatawag sa selpon mo di ka pa sumasagot?!" Nasa tindahan kasi si mister, bumibili ng suka sa tindahan ni Aling Bebang...
"Anak! May exam ka ngayon! Gising na, dali male-late ka!" Sosyal si mader! Manggigising na nga lang di cellphone pa! Magkano kayang load ang napunta para doon?!
"Hon, na-miss kita..." My gash, five minutes pa lang ang nakalilipas nang huli kang tumawag. Marami kang load, ano? Pasa load ka nga diyan!
Ang pinanggalingan niyang narrations na iyan ay yung sinasabi niyang lecture on Family Migration at kung paano nagiging connected 24-ever ang mga OFW families. Nakakatawa yung ilang instances, especially the ever-present momma, pero masisisi mo nga ba talaga e ginagampanan lang naman niya ang pagiging tanging ina niya?
All in all, the Sci10 plenary was a good experience for a start. Sana yung ibang plenaries e maging as substantial as that - at balita ko, ang teacher ko nang si Ma'am Achoot Cuyegkeng ang magpe-plenary... (pero balita ko lang iyon).
Kabanata 2: Tanong ng Bayan.
Edi natapos na nga ang plenary ni Fr. Ben. In-open na nga yung floor for the questions. Syempre, hiya to death naman ang mga gustong magtanong. I can see it in their eyes na pabaling-baling ang tingin. Bakit kaya ganoon, ang hirap maging first sa open forum: dahil ba all eyes and ears are on you, o baka bansagan ka lang na eager beaver? Eh the heck, ano naman ngayon... e may question ka eh! Burning need to answer that question. So over and above, may nagtanong na - tungkol yata sa plastics. Since na-bring up ni Fr. Ben yung initiatives ng Ateneo Environmental Management Coalition (AEMC), yung mga sumagot para sa tanong na iyon ay yung mga proponents na sina Ma'am Achoot at si Ms. Abigail Favis. Then natapos yung tanong niya. And then, may awkward silence/anticipation/excitement kung sino ang susunod na magtatanong. Finally, may tumayo. Isang babae. Pink (peach?) shirt. Umakyat ng pa-teeny bopping fashion then nagtanong.
It's Yumi-chan!!!!
"Um, Father.... um, I was just wondering... how come we never got rid of strawwwwwss? (blah blah blah)"
If there is anything I could say towards Yumi-chan's way of saying things, it's just this:
that's so conyo-tic...
If before, may super kaduper thump thump epek sa akin iyang si Yumi, ngayon ay...
mayroon pa rin... hindi na nga lang kasing-tindi tulad ng dati. Well, time and the others kasi eh...
Sinagot siya ni Ms. Favis by saying that, "Well actually, we've noticed that straws are the hardest thing to dispose of since it's a necessity in a beverage. But the truth is, straws are actually the safest plastic around since it's made of polypropylene..."
Natawa na lang ako inwardly.
And last but not the least, kilala ko yung huling nagtanong. At siya'y walang iba kundi...
ako.
Haha.
Dinirect ko yung question kay Fr. Ben, "Fr. Ben, one of the things that I've learned from my classes in the Communication Department is that technology enables us to live a fast-paced lifestyle and environment. Do you think that sooner or later - or maybe even now - the concept of a 24/7 society will come into fruition? Or let's say [a society where] people who sleep less than 3-5 hours a day because of work?"
Yung sagot ni Fr. Ben was very reminiscent of a Jesuit because he empowered me to reflect on it. And true, he said, that we are living in a fast-paced society getting faster by the second. Na may trade-off rin ang ating pakikihalubilo sa technology in a sense na bumibilis masyado ang buhay natin. Hindi rin niya kinalimutan iyong point na possible na sa atin bumalik (adversely) yung mga ginagawa natin vis-a-vis technology. Basta, over and above Fr. Ben's answer, in-invite lang niya akong mag-reflect.
Amen.
So that's the first part of Dramang Sci10 Lang. Don't miss the second installment kasi pamatay yung nangyari doon - something na ako ma'y di inakalang mangyayari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment